Tuesday, March 23, 2010

C. Presentasyon, Pagsusuri at Interpretasyon ng Datos


Grap 1. Ipinapakita nito na mas komportable sa mga mag-aaral sa UST, Kolehiyo ng Komersyo

na naka-civilian kaysa naka-uniporme.

Batay sa isang daang taong nakapanayam ng mga mananaliksik, walungput-isang bahagdan o 81% ang nagsasabing mas komportable ang pag-suot ng civilian. Labimpitong bahagdan o 17% naman ang nagsasabing mas komportable ang naka-uniporme. May nagsagot naman ng depende na my pursiyentong isang bahagdan o 1%. At pinakahuli, may isang bahagdan o 1% ang walang pinili.

Ibig sabihin ng grap na ito nagpapakita na mas maraming mag-aaral sa UST Kolehiyo ng Komersyo ang nagiging komportable ang pakiramdam sa pagsuot ng civilian kapag pumapasok kaysa sa uniporme. Karaniwang dahilan nila ay mainit ang uniporme ngayon. Kung inyong titignan ang larawan ng mga uniporme. Mas malamig sa pakiramdam ung kulay puting damit kaysa ung may kulay dilaw.



Grap 2. Ipinapakita nito na mas nakakagalaw ang mga mag-aaral sa

UST, Kolehiyo ng Komersyo kapag naka-civilian.

Ayon sa survey na ginawa ng mga mananaliksik, 96% ang mas nakakagalaw kapag nakasuot sila ng civilian, samantala, tatlong bahagdan naman o 3% ang hindi sumang-ayon at nagsabi na para sa kanila, mas nakakagalaw sila kapag nakauniporme sila, at panghuli, isang bahagdan lamang ang walang sagot.

Kung inyong titignan ang grap, halos lahat na ang nagsasabing mas nakakagalaw sila kapag naka-civilian kapag pumapasok. Para kasi sa kanila, limitado lang ang mga kilos mo kapag naka-uniporme. Sa mga babae, kailangan mahinhin ang kilos dahil sila’y naka-palda. Mahirap din ang umakyat ng dyip o di kaya fx. Para naman sa mga lalaki, nahihirapan silang kumilos dahil ang kanilang damit ay may mahabang manggas.


Grap 3. Ipinapakita nito na mas nakakapag-aral ang mga mag-aaral sa

UST, Kolehiyo ng Komersyo kapag naka-uniporme.

Sagot ng mga mag-aaral sa UST, Kolehiyo ng Komersyo ay limamput-apat na bahagdan o 54% ang nagsasabing mas nakakapag-aral sila kapag naka-uniporme. Apat na put tatlong bahagdan o 43% ang hindi sumasang-ayon. Dalawang bahagdan o 2% naman ang nagsasabing depende. At isang bahagdan o 1% ang walang sagot.

Batay sa graph, kaunting diperensya lang ang sumasang-ayon sa hindi sumasang-ayon. Ibig sabihin ay halos magkapantay na ang nakakapag-aral ng maayos kapag naka-uniporme at naka-civilian. May sumagot din ng depende. Marahil, nagbabago ang kanyang pag-iisip sa mga bagay-bagay na kanilang nararanasan sa kanilang pang araw-araw.


Grap 4. Ipinapakita nito na mas nakakatipid ang mga mag-aaral sa

UST, Kolehiyo ng Komersyo kapag naka-uniporme.

Batay sa impormasyong nakalap ng mga mananaliksik ay tatlumput-walong bahagdan o 38% ang sumasang-ayon. Anim na put isang bahagdan o 61% naman ang di sumasang-ayon. At isang bahagdan o 1% lamang ang nagsasabing depende.

Mas maraming mag-aaral sa UST, Kolehiyo ng Komersyo ang mas nakakatipit kapag naka-uniporme. Dahil ayon sa kanila, bibilhin mo na lang iyong uniporme o di kaya magpapatahi ka na lang. At maaari niyo na itong gamitin ng paulit-ulit. Hindi tulad ng naka-civilian, matutukso kang bumili ng bago para hindi ka umulit ulit sa pagsuot.


Grap 5. Ipinapakita nito na mas masaya ang mga mag-aaral sa UST, Kolehiyo ng Komersyo

kapag naka-civilian kaysa naka-uniporme.

Ayon sa grap, may walungput-pitong bahagdan o 87% ang sumasang-ayon. At labingtatlong bahagdan o 13% naman ang hindi sumasang-ayon.

Ibig sabihin, mas masaya ang mga mag-aaral sa UST, Kolehiyo ng Komersyo kapag sila’y naka-civilian kaysa naka-uniporme. Ang pinakamadalas na kadahilanan ay may kalayaan silang pumunta kung saan man nila naising magpunta. Mas komportable at nakakakilos sila ng maayos kapag naka-civilian. At mas ma-porma at magandang tignan kapag naka-civilian.


Grap 6. Ipinapakita nito na mas ramdam ng mga mag-aaral sa UST, Kolehiyo ng Komersyo

kapag naka-uniporme kaysa naka-civilian.

Batay sa aming mga nakapanayam, siyam na pung bahagdan o 90% ang nagsasabing uniporme. Samantalang, sampung bahagdan o 10% naman ang nagsasabing civilian.

Ibig sabihin, halos lahat ay mas nakakaramdam ng kanilang pagiging Tomasino kapag naka-uniporme sila kaysa naka-civilian. Ang kanilang mga dahilan ay may logo ang kanilang uniporme na nagpapakita na sila’y nag-aaral sa nibersidad ng Santo Tomas. At may iba’t ibang uniporme ang UST na nagpapaiba sa bawat estudyante ng UST, kaya mas lalo nilang nararamdaman na kabilang sila sa Ust.


Grap 7. Ipinapakita nito na mas importante sa mga mag-aaral sa UST, Kolehiyo ng Komersyo

Na maipahayag ang pagiging tomasino kaysa maging kompotable.

Batay din sa survey na sinagawa ng mga mananaliksik ay anim na put walong bahagdan o 68% ang gustong maipahayag ang pagiging Tomasino. Samantalang, tatlumput-dalawang bahagdan o 32% naman ang para sa kanila ay mas importante ang maramdaman ang pagkakaroon ng komportable sa pagsuot ng civilian.

Ibig sabihin ay mas marami pa din talaga ang gustong maipakita sa lahat ng taong madadaanan nila na sila’y isang Tomasino. Ang mga pangunahing dahilan ay ang UST ay kabilang sa unang apat na pinakatanyag at kilalang unibersidad, kaya nararapat lang itong ipagmalaki. Para din magmukhang mga propesyonal kahit nag-aaral pa lang.

1 comment: