Tuesday, March 23, 2010

B. Metodolohiya


Nagbigay ng 100 talatanungan ang mga mananaliksik sa mga estudyante sa Kolehiyo ng Komersiyo sa Unibersidad ng Santo Tomas. Sa 100 talatanungan, lahat ay naibalik. Ang talatanungan ay nagbigay diin sa pananaw ng mga mag-aaral tungkol sa pagsusuot ng uniporme vs. civilian. Sa pamamagitan ng talatanungang ipinamigay, inalam ng mga mananaliksik kung saan mas maginhawa ang mga estudyante, kapag ba sila ay nakauniporme o kapag sila ay naka-civilian. Tinanong rin ng talatanungan kung ano ang epekto ng pagsusuot ng civilian at pagsusuot ng uniporme; mas ganado ba sila mag-aral kapag naka-civilian o kapag nakauniporme, mas magastos ba kung araw-araw nakauniporme o pag araw-araw naka-civilian? Panghuli, tinanong sa talatanungan kung ano ang pakiramdam ng mga estudyante kapag sila ay nakauniporme.

No comments:

Post a Comment