Tuesday, March 23, 2010

C. Rekomendasyon

Ang mga mananaliksik ay nais na ibahagi ang kanilang mga nakalap na impormasyon mula sa iba’t ibang boses at kagustuhan ng 100 estudyante ng UST College of Commerce ukol sa isyung ano nga ba ang mas komportable para sakanila suotin. Ang pananaliksik na ito ay nirerekomenda ng mga mananaliksik sa mga taong kinasasangkutan nito partikular na ang mga estudyante ng UST College of Commerce, ang kanilang mga magulang na naaapektuhan din ng mataas na gastos sa mga uniporme na inoobliga bilhin ng kani-kanilang unibersidad.

Ang mga mananaliksik ay gusto din na ipagbigay alam sa mga propesor at authoridad ng iba’t ibang unibersidad ang epekto sa pag-aaral ng mga estudyante ng meron at walang uniporme. Ang pananaliksik din na ito ay nagbibigay kaalaman na hindi lahat ng estudyante ng UST College of Commerce ay pabor sa pagsuot ng civilian tulad ng iniisip ng iba.

1 comment:

  1. F
    M
    N
    R
    X
    Y
    Z
    A-35
    N-40 +
    Kabuuan=70

    Para sa kahulugan ng mga titik, pumunta sa www.babe-ang.blogspot.com.

    ReplyDelete