Monday, March 22, 2010

D. Kahalagahan


Ang kahalagahan ng pananaliksik na ito ay ang makatulong sa mga mag-aaral ng UST College of Commerce na malaman kung ano ba ang mainam na suotin kapag pumapasok. Marahil, ang pagsuot ng kumportableng damit ay magkakaroon ng magandang epekto sa mag-aaral ng UST College of Commerce. Halimbawa na dito ay ang pagiging inspirado nila na pumasok o hindi naman kaya ang pagiging determinadong matuto ng bagong kaalaman dahil hindi na magiging sagabal ang pagkakaroon ng hindi kumportableng uniporme. Isa ding kahalagahan ay ang maibahagi kung ano ang saloobin ng mga UST College of Commerce students sa ganitong isyu. Makakatulong din ito sa mga magulang ng mga mag-aaral ng UST College of Commerce na magreresulta sa mas matipid na pagbili ng uniporme para sa kanilang mga anak.

No comments:

Post a Comment